NOT LATER, DO IT NOW! - MINDANAO

Breaking

Our team

Tuesday, March 6, 2018

NOT LATER, DO IT NOW!

Sabi pa ng karamihan, OPPORTUNITY KNOCKED ONCE. Isang beses lang kakatok sayo ang opportunity. Once tinanggihan mo ito, hindi na ito babalik pa. Maraming magagandang opportunity pero nasa iyo pa rin ang pagdidisisyon kung e grab mo ito or hindi. Karamihan sa nakausap ko tungkol dito, they keep saying SAKA NALANG, iisipin ko pa. Alam nyo ba na sa lahat na nagsasabi ng ganito, yong plano sana na gagawin ay hindi na nangyayari pagkatapos nyang mag-isip? Bawat minuto, paiba-iba ang pag-iisip ng tao. Depende din ito sa uri ng tao na nakasama mo. Marami kasing uri ng tao, merong nagdidisisyon na may word of honor. Magkakamali man siya o hindi, paninindigan nya ang kanyan disisyon. Ang nabitawang salita ay hindi na mababago. Ito'y kaya nyang harapin, manalo man o matalo. Sila yong mga taong tinatawag na risk-taker. Ang karamihan sa kanila business minded people at sila lang yong umaangat sa buhay.

Sa larangan ng negosyo, wala namang nakakaalam na ang negosyo mo ay papatok sa tao. Oo sa modernong technolohiya, maaari na itong malalaman sa pamamagitan ng FEASIBILITY STUDY pero alam nyo ba na hindi lahat ng negosyo na dumaan sa ganitong pag-aaral ay lumago? Napakarami din ang bumagsak. Kasi pabago-bago nga ang gusto at isip ng tao. Kung hahayaan mo na manatili ka rin sa makalumang paraan at hindi ka sasabay sa pagbabago, siguradong maiiwan ka, at yon ang dahilan na maraming bumagsak na negosyo.

Kung ikaw nag-iisip o nagplano ng isang negosyo, ang disisyon mo ay hindi URONG o SULONG. Dapat matatag ka at you are ready to face the challenge. Lagi mong tandaan, walang easy money sa legal na paraan. Ninety nine percent (99%) sa easy money ay ginawa sa illegal na pamamaraan. Kapag sa illegal ka humahakbang, maaari itong magpapapahamak ng iyong buhay o sa inyong pamilya. Kaya dito na tayo sa legal na pamamaraan kahit paman ikaw ay mahihirapan.

Di bale ng mahihirap sa umpisa na aani ka naman ng kaginhawaan pagkatapos nito, kay sa hindi ka nga naghihirap pero habang buhay mong pagdudusahan naman ang kahirapan. Tulad ng sinabi ko normal lang na maghihirap ka sa umpisa, 3-5 years giginhawa kana pag ginawa mo itong tama. Kaya sa hindi mo talaga sinubukan ang mahirapan pero habang buhay naman kayong maghihirap ng iyong buong angkan. Ok lang sana kung ikaw lang ang maghihirap, ang masaklap kasama pa ang buong pamilya mo.

Maaaring ang paghihirap mo ngayon ay hindi mo aanihin habang ikaw ay buhay pa, o malamang ang iyong paghihirap ay aanihin ng iyong pamilya sakaling wala kana. Atleast sa mga panahong iyon, proud na proud sila na ginawa mo ang tama para sila ay mamuhay na masagana. Yon naman talaga ang kagustuhan ng lahat. Naghanapbuhay tayo hindi para mismo sa ating mga saili kung sa mga taong minamahal natin. 

Kaya kung merong kakatok na oppotunity sa buhay mo, wag mong palampasin. Walang nakakaalam, baka yan na ang pinakahihintay mo sa matagal na panahon na magpapabago sa buong buhay ng inyong pamilya. Hindi mo mapatunayan ang isang opportunity na legit ito kung hindi mo ito nasusubukan. Wag masyadong playing safe, karamihan sa may ganung ugali, naghihirap hanggang silay nawala. Ang masakit, pati pamilya nila nagiging playing safe na din pagdating sa pag-aalaga sa inyo. Ito'y dahil, kahit sa mga simpleng bagay ay hindi mo naibigay nong sila ay kasama mo pa.

"A new beginning is on your horizon but you must have the courage to push through. Declare your struggles over. Declare your enemies defeated. Declare yourself victorious. Do this with passion. Your own self-talk is a very powerful tool in cultivating your belief system and ultimately your results. If you are defeated in your thoughts you will be defeated in your life. If you are a champion in your thoughts - your success is inevitable."

No comments:

Post a Comment